“Kahit sa’n ka mapunta, kasama mo ako.”
The loud music and cheers from the concert were gone but those words keep ringing inside Julie’s head. Sa totoo lang, ang sarap kiligin everytime Elmo says things like that, things she never imagined he would say. Pero syempre, kontra-kontra rin ng sarili kasi mahirap na ang mag-assume. Kasi ang assumptions, madalas mali.
Iisipin ko na lang, kinikilig ako kasi nagpapakilig siya.
Kaso, kapag naiisip naman ni Julie kung gaano na kalaki ang ipinagbago ng pakikitungo ni Elmo sa kaniya, automatic siyang napapangiti. Maagang dumating ang binata kanina para mag-rehearse for her thanksgiving concert. Iba pa ‘yung rehearsals nila sa studio noong isang araw kaya sobrang na-aappreciate niya ang effort nito.
*beep*
It was her phone, announcing a text message… from the person she has been thinking about.
“Julie, sorry wasn’t able to say goodbye. But we stayed ‘til your encore song. Lovely. Congratulations!”
Ngiti na naman. Tinitigan niya lang ang cellphone at matagal na nag-isip kung ano ang irereply dito. Kaya lang, sa sobrang busy pa rin kahit tapos na ang concert, hindi na niya na-replyan ang message na ‘yon.
Pagdating sa bahay nila, nag-ayos ng sarili si Julie at pumwesto na sa kama para matulog. Naalala niya ang text ni Elmo kanina. Nag-desisyon siyang ‘wag na talagang sumagot dahil baka tulog na ang binata.
Pero ba pa niya maipikit ang mga mata, biglang nag-ring ang itinabing cellphone.
“Hello?”
“Hi, Julie.”
“Moe?” Napaupo pa siya sa kama nang makilala kung ang boses ng tumatawag.
“Yeah, it’s me. Congratulations again on the concert. You brought the house down.”
Napangiti siya sa pagbating iyon.
“Sus, baka ‘we’ brought the house down. Thanks for coming.”
“You’re welcome. Though I know naman that even without me, it would be a success. Pero syempre, sana invite mo pa rin ako palagi,” tumawa ito nang bahagya.
Her chest seemed to swell at his request. “Of course, Moe.”
“Sabi mo ‘yan, ha. Kahit saan?”
Kasama mo ako…
Tumawa na lang si Julie. Kahit gusto niyang maiyak na ewan. “Kahit reincarnated na ako, ikaw pa rin ang special guest ko.”
Tumawa rin ang kausap sa kabilang linya.
“You should rest na, Julie.”
“You too. Maaga call time ni Nyel, ‘di ba?”
“Yeah.. I wish I could be selfish and demand for you to be in the shoot tomorrow.”
Kahit hindi niya naintindihan kung nagbibiro ito o hindi, tumawa na lang ulit siya. “Tulog na po tayo.”
“Good night.” She was about to end the call when Elmo spoke again, “Happy birthday pala. I almost forgot the real reason I called.”
Napangiti siyang muli. Pinutol na niya ang tawag para pilitin nang makatulog. A single tear ran down her face. But she was happy.
-
“Julie, kiss mo siya sa cheeks,” turo ng isang staff sa katabi ni Elmo. “Para ‘yun sa iPads na hahawakan niyo sa dulo ng prod.”
Julie laughed it off but he knew better. She was nervous. Sa dalawang taon nilang magkasama, he can already see through most of her actions.
He scooted closer to her then whispered, “Don’t worry. I’ll try to look like I’m enjoying it.”
Natawa si Julie tsaka siya hinampas nang marahan, “Napipilitan lang din ako, no!”
Nang-aasar pa si Elmo pero nu’ng inilapit na ng dalaga ang mukha, ang tindi ng ibinilis ng tibok ng puso niya. Tumahimik na lang siya at ngumiti sa camera. They have always worked in close proximity to each other pero affected pa rin siya kapag may ipinapagawa sa kanilang ganito.
When it was his turn to kiss Julie, parang hindi niya magawa. Ayaw niya talaga ng maraming tao so he just lightly touched his lips on her cheek.
When they finished, he was relieved but Julie looked.. disappointed? Mabilis itong tumayo at humarap sa salamin para mag-retouch.
Gustong matawa ni Elmo.
Nagtatampo na naman..
Pagdating ng prod, iwas pa rin ito sa kaniya. If only she knew how much power she has on him, she’ll know why he couldn’t kiss her in public. Pero hindi rin naman matiis ni Elmo na nagtatampo si Julie kaya pagpasok nila sa backstage, hinatak niya ito palapit at hinalikan sa pisngi. Buti na lang, madilim at busy ang mga tao kaya walang nakakita.
He looked into her eyes and he knew she was confused. He just shrugged then tapped her forehead, “I don’t like doing things just because people tell me to.”
-
Pagkauwi nila Julie nu’ng gabing iyon, nagmamadali siyang pumasok sa kwarto. Kanina pa kasi tumatawag si Elmo. Nagkasabay sila sa pagbibigay ng regalo para sa birthday ng isa’t isa kanina kaya sabay rin daw nilang bubuksan.
Demanding. ‘Di ko pa nga siya nababatukan sa paghalik niya kanina.
“Finally,” bungad ni Elmo pagsagot niya ng cellphone. “De joke lang. You ready?”
Nag-desisyon siyang mamaya na ito awayin. Excited na rin kasi siya. Inilapag na niya ang malaking paper bag sa kama. “Game! Open in 4, 3, 2…”
Pagtanggal ng balot nu’ng kahon, sobrang natawa siya sa nakita.
Doll house.
“‘Yan lang ang nakayanan ko eh,” sabi pa ng kausap.
Hindi pa rin matigil sa kakatawa si Julie. Hindi niya in-expect na ‘yun ang matatanggap. “Adik ka na rin, Moe.”
“Siguro nga. Ikaw kasi eh.”
-
Kanina pa excited si Elmo na buksan ang birthday gift niya from Julie. Kahit sobrang belated na.
He’s expecting something funny from her kaya he went with the doll house. When he opened it, he was surprised it was something.. serious: a book on Culinary Arts with a handmade bookmark.
Napangiti siya doon.
Knowing each other then becoming more alike..
‘Yun ang tingin niyang nangyayari sa kanilang dalawa ni Julie. He never imagined to enjoy her company as he does at present. And he never thought he could be so open to her. Dati, feeling niya magiging issue lang kapag hinayaan niyang mapalapit sila sa isa’t isa.
Pero mas madali at mas masaya pala kapag kasama siya.
I know her. She knows me. And life has never been better.
He smiled as Julie rambled on the other line about his gift.
“Astig, may basement pa oh. Bongga rin ‘tong doll house na ‘to ah. Tapos may butler pa. Wowww”
Nagdalawang-isip pa si Elmo sa pagbili noon. He almost forgot that she appreciates even the littlest things in life.
“Thanks, Julie.”
“Huh? Ako nga dapat mag-thank you. May bago na ‘kong bahay.”
And she always makes him laugh, which he likes a lot. “I appreciate your gift too. But I just wanna say that I’m grateful for this… you and me.”
“Alulululu,” her laughter echoed in his mind. And he could imagine her face as she smiles. “Pero thank you din, Moe. I’m gonna sleep happy tonight.”
-
I’ve denied it for so long but I love her. As a friend, or maybe more than that.
I love him already, and I think he loves me too. As a friend, or maybe more than that.
But whether friends or something more, love is love.
————————
JuliElmo TWO infinity and beyond.
Julie was flying toward a place full of surprises..
Somewhere happy..
Kaso, biglang may humarang sa kaniyang babae.
Hinahatak nito ang hawak niyang bagay.
Pero ayaw niyang ibigay..
No..
“Oops, did I wake you up?” Patay-malisyang tanong ni Elmo habang kinukuha nito ang librong nakatulugan niyang basahin.
“Obviously,” dahan-dahang umupo si Julie sa duyan.
“I just wanted to see what you were reading,” parang nakokonsensyang paliwanag nito.
“Sana hinintay mo na lang akong magising.”
“Kaso nakanganga ka pa eh, I thought bukas ka pa gigising sa sobrang himbing ng tulog mo.”
Natawa na lang si Julie doon. Bumaba na siya sa duyan pero na-out of balance dahil sa liit ng area na la-landing-an. Hinawakan ni Elmo ang magkabilang braso niya para hindi siya matumba.
“Wa poise ka naman,” pang-aasar na naman nito.
Sinubukan niyang paluin si Elmo pero hawak pa rin nito ang mga braso niya. Imbis tuloy na mahampas, napakapit pa siya sa balikat nito.
Julie suddenly found it difficult to breathe. They were so close to each other that she can feel Elmo’s warmth. He was looking straight into her eyes. Then his gaze travelled down her face, lingered a moment on her lips, then up to her eyes again.
Sa sobrang kaba, medyo tumutulak na siya sa balikat nito. Pero mahigpit ang pagkakahawak sa kaniya ni Elmo. Palapit pa nang palapit ang mukha nito sa kaniya.
What’s he gonna do??!
Nagpapanic na si Julie dahil biglang pumikit ang binata tsaka huminga nang malalim.
Buti na lang bumitaw na ito pagkadilat ng mga mata.
“So- sorry.. about that,” parang naguguluhang sabi nito.
Julie laughed bleakly. “Nababaliw ka na yata eh.”
Tumawa na lang rin ang kaharap. “Yeah, probably.”
Hindi mapakali si Elmo habang hinihintay na maluto ang muffins na isinalang niya sa oven. Kahit ilang beses na siyang nakagawa noon, he wanted tonight’s batch to be perfect.
Because Julie is coming over for dinner. Actually, kasama si Yen. Pero sa isip niya, parang si Julie lang ang pupunta.
Si Mark at Jon ang nagluto ng iba, habang dessert lang ang sagot niya. Thus, the need for perfection.
Habang nakaupo sa kusina, naalala na naman ni Elmo ‘yung nangyari noong isang araw.
Muntik na.
He wasn’t sure what happened to him. One moment he was shocked by Julie’s warmth, then suddenly his head was swimming in a sea of champagne and wild berries. And it was hard to resist moving in for a taste of it.
Muntik na talaga.
Buti na lang halatang kinabahan si Julie kaya natauhan siya. It wasn’t the right time yet.
He has never been the type to wait but with her, it seems the right thing to do.
Dinner time. Pumwesto sa isang dulo ng dining table si Elmo. At parang nananadya, sa kabilang side umupo si Yen para si Julie ang maging katabi niya.
Why, thank you.
Masaya naman ang naging pagkain nila. Maraming kwentuhan, pati na rin tawanan. He found out Julie was taking up Corporate Management. He was a little suprised because he has always thought na bagay ito sa Arts, with all her books, and her colorful personality. He also wondered why they didn’t see each other in school. Pareho lang sila ng university pero hindi sila nagkakilala doon.
When the time for dessert came, Elmo got kind of nervous. Nakahinga lang siya nang maluwag noong nakitang kinakain naman ng mga bisita ang ginawa niya.
“Oh, hinay-hinay lang. Baka mabulunan ka,” natatawang biro niya kay Julie.
Ready na siyang umiwas sa hampas nito pero hindi in-expect ni Elmo na kukurutin siya nito sa hita.
“Ow!”
Napatingin ‘yung iba sa kaniya habang si Julie naman ay nagkunwari ring nagtataka kung bakit siya sumigaw.
“It’s.. nothing,” paliwanag niya sa iba. Pero hinawakan niya agad ang kamay ni Julie bago pa ito mailayo.
It was her turn to be surprised. Habang walang kaalam-alam ang mga kasama nila.
Ngumiti lang siya at hindi binatawan ang kamay nito hanggang sa oras na para magligpit ng pinagkainan.
“Good night,” nakangiting paalam na ni Julie bago bumalik sa kabilang bahay.Saktong pagtalikod ng dalaga, pinigilan naman niya ito sa isang braso.
“Wala bang good night kiss?”
Tumingin muna ito sa kaniya, tinitingnan na naman kung nagbibiro siya o hindi. “Hindi mo ko type, ‘di ba? Pumasok ka na.”
Natawa na lang siya. “Right. See you tomorrow, Julie Anne.” Pinisil niya ang kamay nito tsaka bumalik na sa loob ng bahay.
Nature lover talaga si Elmo pero hindi niya gaanong ma-appreciate ang lakad nila ngayon dahil sa init at sa dami ng alikabok galing sa hindi sementadong daan. Papunta kasi sila sa isang mabundok na area sa probinsya para makita ang isang waterfalls. 1 oras na silang nagbbiyahe gamit ang owner na palaging pinapahiram sa kanila pero mukhang malayo pa rin sila sa destinasyon.
Buti na lang talaga he was sitting next to Julie who smelled incredibly nice, like a mix of berries and champagne.
She looked nice too, wearing a simple shirt and a pair of tights. Elmo stole glances at her but she seemed to be preoccupied with other thoughts.
He nudged her thigh with his.
“You look grumpy. Ang pangit,” bulong niya rito.
He was expecting her to roll her eyes pero yumukyok lang ito at hindi siya pinansin.
Ey..
Pinabayaan na lang muna ni Elmo ang katabi at nagmasid sa mga kasama nila. Mark, his younger brother, was sitting beside Yen. Jon, his bestfriend was sitting on his right side while Tita Perry was beside Kuya Vic, their driver.
He felt Julie sat up again kaya mabilis siyang tumingin dito. She still looked troubled so Elmo started typing on his cellphone then let her read it.
“Sitting next to you is the only exciting thing in this trip. Smile?”
Julie looked away pero kitang-kita niya kung paano nito pinigilan na mapangiti. Kaya naman he scooted closer at hinuli niya ang tingin nito. Nilakihan niya ang mga mata tsaka itinaas ang magkabilang kilay na parang sinasabing, “Ano na?”
Natawa na nang tuluyan si Julie sa facial expression niya. Marahan siyang sinampal nito na ikinagulat naman niya. Lalo tuloy itong natawa at hindi na rin napigilang mapangiti ni Elmo. For a while, they forgot they weren’t alone in the vehicle. Buti na lang, busy sa sari-sariling usapan ang iba nilang kasama kaya walang nakapansin.
Maganda nga ang waterfalls na pinuntahan nila. Malakas ang agos ng malinaw na tubig mula sa mas mataas na bahagi ng bundok. Matataas ang mga puno sa paligid at halos kaunting sinag ng araw lang ang nakakalusot sa mga iyon. Elmo started taking pictures but he also silently watched Julie. Nag-aalala kasi siya sa ikinikilos nito.
Maya-maya, napansin niyang pumasok si Julie sa isang maliit na daanan. Pasimple siyang humiwalay sa mga kasama at sinundan ito.
Nang makita niya ulit ang dalaga, nakaupo na ito sa gilid ng isang maliit na batis. Mas liblib ang kinalalagyan ng batis pero parang mas nagandahan si Elmo dahil sa kasimplehan nito.
Dahan-dahan siyang lumapit kay Julie tsaka biglang hinawakan ang magkabilang balikat nito.
“Oh my god!!” Napasigaw ito sa gulat.
“See. Why the heck would you go in here alone? Nobody would hear even if you screamed like that.”
Yumuko lang ito at ipinatong ang ulo sa mga braso.
Bumuntong hininga siya.
‘Yan na naman?
Kaso, napansin ni Elmo na bumilis rin ang paghinga nito.
“Wait, are you crying?” Mahinanong tanong niya pero hindi ito sumagot.
Shoot.
“I’m.. sorry. I didn’t mean to scare you.” Dahan-dahan niyang ipinatong ang kamay sa likod nito.
Umiling lang si Julie. He wasn’t sure if she doesn’t accept his apology or if she was crying because of another thing.
“Hindi pa naman ako aalis ah. Don’t cry yet,” biniro na lang niya ito.
Automatic na napaupo nang diretso si Julie tsaka siya hinampas.
Pinunasan naman niya ang mga luha nito.
“‘Wag mo nang uulitin ‘yan. You look awful when you cry.”
Nag-pout pa ang dalaga bago huminga nang malalim. Tumingin ito sa kaniya and he couldn’t help but stare at how beautiful she still looked.
“Bad shot tayo kay Tita Perry.”
Elmo was relieved that she wanted to tell her what’s wrong, but was shocked that he seemed to be part of the issue.
“Huh? Tayo as in the whole group, or just you and me?”
“Tayong dalawa. I think she saw us the other day, nu’ng nauna tayong umuwi sa kanila. She’s.. suspicious.”
Napakunot ang noo niya sa nalaman. “Bakit naman?”
“‘Di ko rin alam. I’ve gone out with guy friends before pero hindi niya tinatanong kung sa’n ako pupunta. Today, she even came to chaperone us.”
Nag-isip muna siyang mabuti bago magsalita. “Maybe she should know that I don’t like you.”
Nanliit ang mga mata ng kausap doon pero pinilit niyang maging seryoso. “Tell her I said you’re not my type so she can stop being paranoid.”
Tinitigan lang siya ni Julie na parang gustong alamin kung totoo ang sinabi niya kaya tumayo na si Elmo bago pa mabawi ang sinabi. “Let’s go back na. Baka isipin pa nila sine-seduce mo ako dito.”
Nakatikim muna siya ng isang hampas bago ito sumunod sa kaniya pabalik sa may waterfalls.
“Dami mong sinabi. Hindi rin naman kita type.”
—-
Natatawa pa rin si Elmo everytime he remembers that moment. He wanted to comfort Julie but he ended up telling her again that she’s not his type.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin clear sa kaniya kung bakit nga ba suspicious noon si Tita Perry. Julie has always assumed that her aunt just doesn’t love her that much. Pero naisip ni Elmo, baka naman nag-iingat lang ang tiyahin nito dahil ipinagkatiwala nga ng mga magulang si Julie. Maybe Tita Perry knew that he actually liked her niece, and was protecting her from him.
He laughed bitterly at the thought. He may not be the perfect guy but he was ready to do everything for Julie then.
Maybe until now?
Napailing na lang si Elmo. It’s a little pathetic to think like that of a woman na matagal na niyang hindi nakasama.
Binuksan niya ang pintuan ng sariling bahay at dumiretso sa reading room. Ipinatong niya sa isang shelf ang librong binili kanina, kasama ng iba pang librong hindi pa rin nabubuksan. Marami-rami na rin pala ang mga ‘yon..
Tumingin naman si Elmo sa desk. Nandoon ang ilang mga envelopes na malamang inilagay ni Manang. He browsed through them. Most were bills, some were sponsorship letters, but the last one..
Baka nagkamali lang siya so he read it again.
It was from Tita Perry.
“I’m home,” Julie says that to herself everytime they go back to the province. She says it, hoping that someday she might believe so.
Niyakap siya ni Tita Perry and it was comforting until the lady inspected her outfit.
Ngumiti lang siya. She’s always dressed comfortably pero para kay Tita, palaging masyadong konti ang damit na suot niya.
“Ma, kamusta po? Na-miss namin kayo! Pero mas na-miss namin ang food dito,” biro ni Yen pagpasok sa bahay. Perfect timing talaga lagi ang pinsan niyang ito.
“May mga bisita po ba dyan sa kabila ngayon?” Tanong na naman.
“Hanggang ngayon ba, mga kapitbahay pa rin ang inaabangan niyo?”
“Para masaya, ma!” Patuloy lang ang pinsan sa pagbibiro dahil alam naman ng ina na may boyfriend na ito.
“Ikaw, Julie Anne, sino na’ng boyfriend mo ngayon?”
Kumapit siya sa gilid ng inuupuan. Tita Perry asks her that every year but the question stings just as much as when she was asked the first time.
“Wala po eh,” ‘yun ang lagi niyang sagot.
“Talaga?” At palagi namang mukhang hindi naniniwala ang tita niya. “Eh si Elmo, nagkita na ba ulit kayo?”
Napadiretso siya ng upo sa narinig. Napahinto naman sa paglalakad si Yen. Makalipas kasi ang apat na taon, ngayon lang ulit narinig ang pangalang “Elmo” sa bahay na iyon.
“Uhm.. Hindi naman na po kami nagkita pag-alis nila dito noon,” mahinahong sagot ni Julie.
“Ah, ganun ba..” Tumango lang ang nakatatandang babae tsaka umalis sa sala.
Ibinagsak niya ang magkabilang balikat pagtapos ay bumuntong-hininga.
Kailan kaya sila maniniwala ulit sa ‘kin?
—-
Pasimpleng tinitingnan ni Julie si Elmo mula sa likod ng owner-type jeep na sinasakyan. Nag-bike nga ito tulad ng sinabi sa kaniya kanina.
Bakit parang gumawa pa siya ng paraan para sumama ako?
Sa sunod na paglingon niya, nagtama na ang paningin nila. Kumindat si Elmo na automatic irap naman ang natanggap sa kaniya.
At dahil rough road ang dinadaanan, ilang beses ring nauntog si Julie sa bakal ng sasakyan tuwing may malalaking lubak. Tuwing nangyayari ‘yon, she would hear Elmo laugh.
“You should count your neurons. Bawas na bawas na ‘yan kakauntog mo,” mahinang pang-aasar nito pagdating sa kanilang destinasyon.
“You should count yours too. I’m sure bawas yan kahit hindi ka nauntog.”
His eyes widened at her fast comment.
Yes!
But when he laughed loudly, something seemed to pull at her heart.
Parang.. Ang sarap sa pandinig..
Namasyal nga sila sa property na iyon. Simple lang ang lugar; May isang lawa at maraming puno ng buko na nakahilera, maaliwalas ang langit, at presko ang hangin.
Kaso, makalipas ang ilang minutong paglalakad, nawala na sa paningin ni Julie ang mga kasama kaya namahinga na lang muna siya sa isang bench.
“Wake up!” Nagulat siya na may humahatak sa buhok niya. Si Elmo.
“Nakatulog ako?”
“Hah, you were drooling pa nga eh.”
Umirap lang siya. “Nasa’n sila?”
“May pupuntahan lang daw tapos babalikan tayo,” umupo na ito sa tabi niya. “But I think we should go back already.”
“Why?”
“‘Cause I’m bored.”
“Eh ‘di mauna kang umuwi.”
He looked at her as if she said something stupid.
“Pa’no kung maligaw ako?”
Hindi niya napigilang matawa doon. “Problema mo na ‘yun. Tsaka hindi ka naman pusa, kaya mo na ‘yan.”
Sumandal si Elmo tsaka pumikit na parang nag-iisip.
“You ride the bike while I walk. Fair enough?”
Muntik nang tumanggi si Julie pero may naisip siyang mas exciting.
“No, I’ll ride the bike while you jog. Game?”
“May difference ba?”
“Oo, mas mapapagod ka.”
Tumawa muna ang kausap bago sumagot, “Fine.”
Binagalan lang ni Julie ang paggamit ng bike para makasabay sa kaniya si Elmo. Tahimik sila pareho kaya rinig na rinig niya ang paghingal nito noong nasa kalagitnaan na sila ng daan pabalik.
“Ikaw naman mag-bike. Pagod na ‘ko,” sabi niya sabay hinto sa pag-pedal.
“Really? Naawa ka lang sa ‘kin eh.”
Nagsimula siyang pumedal ulit dahil sa pang-aasar nito pero pinigilan na siya ng binata.
“Just kidding. Sige, ako na. Angkas ka sa likod.”
Patayo ngang sumakay si Julie sa likod na bahagi ng bike. Mabilis magpaandar si Elmo kaya para silang mga batang naglalaro habang nagba-bounce sa rough road. Kaso minsan nakukurot na niya ang balikat nito sa higpit ng paghawak kapag steep ang daanan. Tinawanan na lang niya ang ilang beses na pag-aray nito.
Noong malapit na sila sa compound na tinutuluyan, nagpababa na si Julie dahil baka may makakita sa kanila.
“Shower ka ha. Ang baho mo eh,” biro niya kay Elmo bago sila maghiwalay. Pawis na pawis na kasi ito.
For the second time that day, parang nagulat si Elmo sa sinabi niya. Humarap ito at tinitigan siya sa mata. Julie’s heartbeat started to hasten.
There’s something about his eyes..
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya.. Tsaka pinunasan ng pawis.
“Ikaw rin kaya,” tumawa pa ito na lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya. “Pero thank you sa pagsama sa ‘kin.”
Ngiti na lang ang naisagot ni Julie doon.
Medyo lutang pa siya pagpasok ng bahay kaya hindi napansin na nakasilip pala sa bintana si Tita Perry.
“Humiwalay kayo kina Yen?” Mahinahong tanong nito.
“Na-bore na daw po si Elmo kaya nauna na kaming bumalik,” makatotohanan naman niyang paliwanag.
“Ah, ganun ba..” ‘Yun lang at bumalik na ang tiyahin sa kusina.
“Julie Anne, pakidala mo nga itong ulam sa kabilang bahay,” utos sa kaniya ng Tita Perry niya. Nanay iyon ni Yen na itinuturing niya ring pangalawang ina. Ever since her real mother passed away due to an illness, she has lived with their family while her father is working abroad.
“Ma, ako na!” Natawa siya sa pag-ako ng pinsan. Ganoon ito tuwing may crush sa kabilang bahay, na palagi namang nangyayari.
“Oh sino na naman ang crush mo sa mga bisita?”
“Mama naman. Eh ‘di ‘yung Elmo po. Parang vaklush ‘yung kapatid eh. Tapos ‘yung friend nila.. Uhm, balik tayo kay Elmo.”
Natawa silang pareho sa kalokohan ni Yen. Pero noong biglang mag-ring ang cellphone nito, nagmamadaling pumasok ang dalaga sa kwarto para kausapin ang boyfriend sa Maynila. Mapagbiro lang talaga ito pero loyal naman.
Napilitan tuloy si Julie na sundin ang utos ng tita niya. Mabagal siyang lumakad papunta sa kapitbahay. Ilang hakbang lang ang layo nito at tanaw na tanaw ang verandah mula sa sarili nilang terrace.
Kumatok siya at naghintay na pagbuksan ng pinto.
“Hi!” Bati sa kaniya noong maliit na maputi.
“Hello, ako si Julie, pamangkin ni Tita Perry. Pinapabigay niya sa inyo,” sabay abot ng tupperware ng ulam.
Pinapasok siya ni Mark, ‘yung sinasabi ni Yen na malamya. Pinilit rin siya nitong kumain kasabay nila.
“By the way, this is Kuya Moe-“
“Elmo,” pagtatama ng binata na nakaupo lang sa sala at nagbabasa ng libro.
Julie wanted to roll her eyes. Seems like she’s right after all.
Buti na lang at na-enjoy niya ang lunch dahil sa kadaldalan ni Mark. Nalaman niyang iisa lang ang university na pinapasukan nila. Second year college ito samantalang fourth year naman si Elmo, tulad ni Julie, at nagte-take ng Business Management.
Kaso, bigla namang nag-excuse si Mark para puntahan ang isa pa nilang kasamang si Jon na bestfriend pala ni Elmo.
Tumayo si Julie at nagsimulang magligpit ng pinagkainan nila.
“So where’s Jon? San siya pinuntahan ni Mark?” Sinubukan niyang mag-small talk.
“Why, do you like him?” Nakakaloko ang ngiting ipinakita ni Elmo.
“No.”
Sa’n nanggaling ‘yun?
“Ah. Or maybe you like me?”
Muntik na niyang maibagsak ang mga hawak na baso. “Ano?”
“I said, if you don’t like them then maybe I’m the one you like.”
“Excuse me ha. Napag-utusan lang akong dalhin ‘yung ulam dito. Wala akong gusto sa ‘yo o sa kahit na sino sa inyo.”
“Ah, okay,” nagkibit-balikat lang ang binata at nagsimulang maglakad pabalik sa sala.
Biglang parang gusto ni Julie na mambato ng kutsara. “So ako lang talaga paghuhugasin mo nito?”
Tumingin sa kaniya si Elmo tsaka nag-smirk. “Yeah. You’re not my type either.”
—-
“Sir, tapos na po namin ‘yung menu add-ons for this season,” sabi sa kaniya ng isang tauhan pagbalik sa restaurant.
“Alright. Give me a minute.”
Dumiretso si Elmo sa office niya at binuksan ang laptop para hanapin ang isang photo file. Tinitigan niya ito as if he even succeeded to forget.
Sa picture, nakaakbay siya kay Julie na malaki ang ngiti sa labi.
It was their only picture during their time together.
He closed the photo viewer then opened it again.
Earlier, the thinking part of his brain denied that it was her. But his subconscious knew better.
Elmo stared at her face, again, as if he even succeeded to forget.
They weren’t exactly very young when they met. They were both 20 then pero parang nag-bloom pa lalo ang dalaga. She’s still tall, slim, and fair but she’s much prettier now.
Hindi rin na-miss ni Elmo ang kakaibang aura nito kanina. Julie has always been very intense dahil ayaw nitong nagpapatalo. Pero kanina, her eyes were a different kind of intense. It was like she’s holding back, and like she’ll explode anytime.
Bumalik na naman tuloy ang pag-aalala niya. Before, he kept thinking about what would happen to Julie after that night. It was all his fault anyway.
Pero lately, he has been trying to forget everything so he can move forward. He hadn’t seen her ever since, and after years has passed, he thinks he has finally put their story to rest.
So why now?
Bumuntong-hininga si Elmo at tumingin na lang sa updated menu sa sinabi ng empleyado niya kanina. Meron na siyang restaurant ngayon, katulad ng sinabi niya kay Julie noon. Maayos na ang buhay niya, like how Julie wanted it to be.
Tumayo muna siya at naglakad-lakad paikot sa maliit na kwartong iyon. Nakakatawa kung ano’ng naidulot sa kaniya ng isang accidental na pagkikita after 4 years.
Kalahati na naman ng utak ko ang sakop niya.
Naupo ulit siya then suddenly the memories came rushing back. Pumikit na lang si Elmo.
It really is just wishful thinking to get her out of my mind..
-—
“Tara na, Julie. Sama ka na.” Pilit ni Yen sa pinsan nitong nakaupo lang sa verandah at nagbabasa ng libro. Dadalaw kasi sila sa bahay ng kapitan sa katabing baranggay.
“Kayo na lang. Not feeling well eh,” sagot nito.
Elmo actually felt bad. He knew na nagdadahilan lang si Julie para hindi siya makasama. Yesterday wasn’t their best first meeting pero hindi niya talaga napigilang mang-asar. He knows an intelligent and strong woman when he sees one. At ganu’n ‘yung mga type niya kasi may challenge. Pang-aasar is just his way of “testing the waters.”
Lumakad siya diretso sa pwesto ng dalaga.
“I’ll ride my bike so you don’t have to sit next to me.” Tumalikod siya sa iba nilang kasama to make sure they didn’t know what he was saying.
Nakipagtitigan sa kaniya si Julie and it took a lot of his strength to not smile.
Padabog nitong binaba ang libro tsaka naglakad papunta sa sasakyan. Binangga pa siya ng dalaga sa balikat. Hindi niya tuloy naiwasang maamoy ang pabango nito.
Not bad. Definitely not.
Kafka on the Shore
After Dark
A Wild Sheep Chase
Tinitingnan ni Julie ang mga title ng novels na isinulat ng favorite writer niya, thinking which one to get. Dumaan lang siya sandali sa mall para bumili ng librong ibabaon sa bakasyon.
If only real life was as mysterious as his works.. If people realized that control is overrated-
“Ow!” Hindi namalayan ni Julie na naglakad pala siya diretso sa isang lalaking tumitingin rin ng mga libro.
“I’m so sorry,” automatic na hingi niya ng tawad sa pagbangga dito.
Pag-angat ni Julie ng paningin, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Nakatitig lang sa kaniya ang lalaki na tila nagulat rin, pero hindi naman nagsalita.
“So sorry..” Kahit bumilis rin ang takbo ng utak, yun lang ang muli niyang nasabi tsaka nagmamadaling umalis doon.
“What book did you get?” Tanong ni Yen nang magsimula na ang travel nila. Nag-da-drive ito habang si Julie naman ang nasa passenger seat.
“Hindi ako nakabili eh.”
“‘Di ba sa bookstore ka nga galing?”
Hindi na niya sinagot iyon.
“So.. It’s that time of the year,” sabi ulit ni Yen habang diretso ang tingin sa daan.
Tumahimik lang si Julie at tumingin sa labas ng bintana kahit medyo madilim pa ang paligid.
“Come on, cous. What really happened?”
“I don’t want to talk about it,” mahina niyang sabi.
“You haven’t talked much since that night. And it’s been too long.”
Nginitian niya lang ito. Ayaw na niyang magsalita para iwas-gulo. She knows Yen will understand.
Makalipas ang ilang minuto ng katahimikan..
“Cous, may barya ka for tollgate?”
Tumango si Julie at naghalungkat sa bag, thankful na hindi na nagpilit ang pinsan.
“Hey, you still have that!” Nakangiting pansin nito sa nakabukas niyang bag. Nakita nito ang journal na sinimulan niyang sulatan apat na taon na ang nakakaraan.
Ngumiti lang ulit si Julie at inabot dito ang hinihinging barya.
“Nandyan pa ba ‘yung listahan ng mga codenames natin for the boyzz?”
“Oo,” she laughed at the memory.
“Basahin mo nga, bilis! Para matawa tayo.”
“Aloud?” Parang nahiya siya sa request nito.
“Yeah, aloud. Go na!”
Hinanap niya muna ang page kung saan nga iyon nakalagay at tumikhim bago magsalita.
“Top 1, Bad-ass hottie.”
Instant ‘yung image na nabuo sa isip ni Julie.
He wasn’t on top of the list for no reason.
Gwapo, matangkad, mayaman, mysterious. Pero maloko.
Buti na lang at hindi nag-comment si Yen. Kung hindi, baka hindi na niya ipinagpatuloy ang pagbabasa at nag-imagine na lang.
“Top 2, Boy-next-door. Top 3, Tall, dark, and handome. Top 4, Tall, buff, and emo. Top 5, Kind-hearted person.”
“Ah, ‘yung kind-hearted lang!” Nagsimula nang tumawa ang kasama.
“Top 5, Fun-loving person.”
“Hindi mabait kaya fun-loving na lang. Pfft-“
“6, Sirena. 7, Syokoy. 8, Darna…”
By the time na natapos siyang magbasa, tawang-tawa na silang dalawa.
Tuwing nagbabakasyon kasi ang mag-pinsan sa probinsya, meron silang nakakasabay sa katabing bahay na pagmamay-ari ng tita nila. Meron itong weird na paniniwalang hindi dapat maiwan ang isang bahay na walang nakatira. Kaya noong lumipat ito sa Maynila, iba-ibang mga bakasyonista ang tumitira doon. Binibigyan nila ng codename lahat ng lalaking tumitira doon tsaka nila isinasali sa ranking.
Sa dami ng nakitira doon, minsan napapaisip si Julie kung bakit hindi na lang ibinenta ng tita nila ang bahay na iyon.
But if she did, I wouldn’t have met him..
Tumingin si Julie sa pasikat nang araw.
I swear I have been trying to forget..
—-
“Cousin!! Ngayon na ang dating ng mga bagong bisita. Excited ka na ba??” Yugyog sa kaniya ni Yen.
“Kunwari hindi pero excited rin.”
Lumabas na sila sa verandah tsaka pumwesto katulad ng lagi nilang ginagawa. Sa sobrang boring sa probinsya, ginagawa nilang entertainment ang mga bakasyonista ng tita nila. Ibinukas ni Julie ang isang libro at nagpanggap na magbabasa habang ang pinsan naman ay nagbukas ng laptop para kunwari ay nagta-type.
Maya-maya lang ay binubunggo na siya ni Yen sa tagiliran.
“Ayan na, Juls!!”
Pasimple siyang nag-angat ng tingin para makita ang mga parating.
Tatlong lalaki iyon: isang matangkad, maputi at may itsura, isang maliit at maputi na may itsura rin, at isang matangkad na medyo maitim at nakasalamin.
“Mukhang magkapatid yung dalawa,” bulong ng katabi.
“Yeah. So who’s your bet?”
“‘Yung matangkad. Siya lang naman ang pwede jan. Ikaw, siya rin?”
“Wala eh.”
Tumingin ito sa kaniya na hindi naniniwala. “I thought you like tall guys.”
“Tall but preferrably dark. Tsaka wala lang. I just have a feeling that I won’t like him.”
“‘Suuus! Wag kang magsalita nang tapos.”
“Tapos.”
Yen just laughed. Julie, on the other hand, never thought that her cousin could be so right.
“Alam niyo, parang hindi ko nakikita si Whitey,” Elmo said, referring to the household’s pet dog. “Si Whitey yata ‘yung kinain niyo eh..”
Palihim na natawa si Julie.
Same thoughts.
It was a pseudo-special day for all of them. Kakatapos lang nilang mamasyal katulad ng madalas nilang gawin nitong nakaraang mga linggo. Pero ngayong gabi, may pinlano silang outing para mas makapag-bonding pa, lalo’t malapit na silang maghiwa-hiwalay.
“Hindi ah, tinanong ko si mama. Sabi niya, ‘yun daw ‘yung isang alaga nila tita. Hindi ‘yun si Whitey,” sagot naman ni Yen. Medyo frantic ito at mukhang na-gui-guilty.
“Ikaw, Julie? Nasa’n na si Whitey?” Bumaling na sa kaniya si Elmo.
Why does she have a feeling na siya talaga ang target nito?
“Ewan ko. ‘Di ba ikaw ang nakatira dito?”
“Baka nasa tiyan mo na,” tumitig lang ito sa kaniya.
He has eyes that bore down to one’s soul but Julie never backs down. Nakipagtitigan siya dito kahit nandoon at nakikimasid sa eksena ang iba nilang kapitbahay.
Bahala kayo jan.
“Hindi naman ako kumain nung aso eh. Si Yen lang,” tumawa pa siya sa harap nito.
Nag-smirk lang si Elmo, katulad ng palagi nitong ginagawa kapag hindi na makaangal sa kaniya.
Woop, 1-0, in favor of Julie Anne San Jose!!
Hah! Akala niya madadaan niya ako sa ngiti.
Then he laughed, that gentle sound with a flash of his teeth, and wrinkling of the sides of his eyes.
Hindi niya tuloy napigilang pagmasdan ito.
Actually..
“Julie, pakiabot naman ‘yung manok. Tutulungan ko na kayong magluto,” utos ni Elmo.
Iniabot nga niya iyon. Wala naman kasi siyang choice. Hindi siya marunong magluto samantalang si Yen, na resident cook nila, ay lumabas para hanapin nga si Whitey.
“’Yung patatas naman.”
Wala man lang, “please?!”
Pero iniabot pa rin niya. “Ang bait ko namang sous chef.”
Tinaasan siya nito ng isang kilay. “Ang sous chef maayos maghiwa ng patatas.”
Enk. Julie=1, Elmo=1.
Inirapan niya ito. Mukha na naman tuloy siyang pikon.
Maybe I should start learning how he does his smirk. Or imitate his laughter..
So he can feel what those do to me.
“So what time kayo pupunta sa resort?” nagsalita itong muli.
“7pm. Hindi ka daw sasama?”
“Hindi niyo naman ako in-invite eh.”
Julie lowered her voice and said, “I’m inviting you now.” Umaasa siyang walang nakarinig noon.
“Hindi na. Tsaka may gagawin pa ako eh.”
Tumahimik na lang siya. One part of her was relieved na hindi ito sasama, but the other part really wanted to spend some time with him.
“She’s inviting you now. Sama ka na, Kuya,” mahinang singit ni Mark.
Pinanlakihan niya ito ng mata para iparating na tumigil ito sa panunukso. Nagkunwari lang na walang alam ang kaibigan tsaka lumakad muli palayo.
“Sorry talaga. Next time siguro,” sabi ulit ni Elmo.
“Okay lang.” Sinubukan niyang magmukhang hindi affected.
Naramdaman niyang humakbang palapit ang binata. Pumwesto ito sa may likod niya tsaka yumuko para bumulong, “You should’ve invited me sooner. You know I wouldn’t say ‘no’ to you.”
Muntik nang mapatalon si Julie sa gulat sa narinig. Tiningnan lang niya si Elmo tsaka nagmamadaling lumabas sa verandah ng bahay, umaasang walang ibang nakakita o nakarinig sa nangyari.
—-
“Huy, Julie! Bakit natatawa kang mag-isa dyan?” Tanong ni Yen pagpasok nito sa unit niya.
“Nothing.”
“Nothing,” pag-ulit nito na, syempre, hindi naniniwala. “By the way, have you packed yet?”
It was that time of the year that they go back to the province for a vacation, and that very time every year when she can’t help but remember him.
She let out a sigh.
It’s been four years..
Tumayo na lang si Julie para ipagpatuloy ang pag-iimpake. Mamayang madaling-araw ay aalis sila ni Yen para umuwi muna sa probinsya. Taun-taon nilang ginagawa iyon pero ngayon, dalawang linggo na lang silang titigil doon. Noong nag-aaral pa kasi siya, bakasyon grande silang mag-pinsan.
Alam naman ni Julie na maayos ang pamilya nila doon. Pero kahit ganoon, for most of the year, sabik na sabik siyang makasama ang mga ito. Kaso, pagkatapos naman ng kamustahan, gusto na niyang tumakbo pabalik sa Maynila.
Ano naman kaya ang itatanong nila sa ‘kin ngayon..
Napatingin siya sa sariling journal na hawak kanina. She has always liked writing down moments of her life. But that summer, she got unusually fond of writing.
Maybe she was bored.. Or maybe she knew, deep inside, that she’d want to remember those moments for a long time.
The part that she read earlier never fails to make her laugh. It was a bittersweet moment, and it was the start of the night that both made and ruined her life.
Could something be wrong and right at the same time? What if the poison is the antidote?
This is a story of Julie and Elmo, their different battles, and the contradictions in their lives. Hope you find Poison and Wine interesting.
TA1: Hello. Thank you for reading :) I’m okay with doing a Book 2 but not in the near future siguro hehe.
TA2: Haha ayos! Thank youuuuuuuuuuu!
TA3: Thank you. Yes, sana nga. :)
TA4: Hi, ate. Thanks for another review, this time for Between Us naman haha! Hmm how do I put it… The setting is real pero the characters and their experiences are all fictional. :)
TA5: Haha yep, tapos na po ‘yun. God bless you too!
TA6: Thanks, thanks, thanks, and hugs! May yours flourish too! Hehehe
Hi, everyone. Happy Page 11 of JAPSMonth :) Apologies for the super kaduper late responses to your TAs. I will post the intro of a new story in a while though I can’t promise to update as regularly as I would want to. I’m preparing for something really important in my life so I “write” only during my free time. Anyway, hope you still enjoy it. :)
skaterkicks asked: This chapters I hate the most. the near ending :'( Inaabangna ko lagi si Jaboom :) Hays, hahaha I love your story. Very catchy... Promise :P Part 2? or a new ff? Haha demanding na ako :D
Hi there. Sorry for the super late reply. Thanks for reading Between Us and, yes, new FF! :)
A must-visit site. My fangirl heart is rejoicing!
“Being one of today’s most admired teen celebrities, Julie Anne has become an inspiration to a lot of teens (even teen-wannabes). Credits to her talents, her warm personality, and her look. Not only is she a Twitter ‘trend’-setter, because she’s now emerging as one real fashion trendsetter! Bet you’ve asked quite a few times where she got a certain piece she’s wearing. Our team will help you with your dillema. So c’mon and join us break down the pieces of Julie Anne’s looks!…”
Day 194
“Ja, what’s that?” Turo ni Dawn sa cellphone niyang nakapatong sa mesa.
“Huh? Phone?”
“No, silly. I meant, ‘who’ pala.”
Tiningnan ni Ja ang sariling cellphone at natawa siya nang maalalang screensaver nga pala niya ang picture nila ni Elmo. Kuha pa ‘yun sa garden nila noong ipakilala niya ito sa mga magulang, ilang buwan na ang nakaraan.
Si Dawn ang isa sa pinakamalapit niyang kaibigan mula pagkabata. Alam niyang nag-fi-fish lang ito dahil kilala naman nito kung sino ang kasama niya sa picture na ‘yon.
“He’s Elmo.”
“Ah, the boyfie!”
“Yes, the boyfie.”
“So, love at first sight ba ‘to?”
“What? No! ‘Di ako naniniwala du’n..”
Hindi nagsalita si Dawn, parang alam na may idudugtong pa siya sa sinabi.
“But I did find him the cutest during our first day.”
Natawa ito tsaka tiningnan ulit ang cellphone niya.
“He is cute. Tell me more about him.”
Ano ba nakain nito?
“What? You rarely talk about boys so go. Talk.”
“Hmm, ano ba.. Aside from he’s tall and cute, he’s really, really nice. He seldom talks but knows what to say, he knows how to make me laugh, he listens and observes.. He knows me very well.”
“So he knows you’re avoiding behavior of being a smart-ass?”
Tiningnan niya ito nang masama pero umamin rin, “Yes, he does.”
“He’s a lucky guy then. You’re a great catch and you let him have you.”
“Thanks. But I’m lucky too. He’s.. One of a kind.”
“So, this Elmo.. Mabango ba siya?”
Na-weirdohan si Ja sa tanong pero sumagot pa rin.
“He is. You know, sometimes I imagine smelling his cologne.” Napatawa si Dawn pero tinuloy pa rin niya ang pagsasalita. “Like, right now, parang naaamoy ko siya.”
“You do? Pfftt-” Sobrang natatawa na talaga ang kausap.
Then a sudden realization hit Ja.
Tinakpan niya ang mga mata at tsaka tumalikod. She didn’t want to see who she thinks she’d see.
Naghintay siya at nandun nga, the familiar smell, and touch.
Ibinaba ni Elmo ang mga kamay niya. “Hi, Jaboom.”
“Arghhh, lagot talaga sa ‘kin si Dawn!! Ikaw naman, nakinig ka pa talaga sa usapan namin,” sabi ni Ja habang pabalik sila sa condo niya.
“Konti lang naman narinig ko eh. Mula lang sa ‘He’s Elmo.’”
“Aynako..” Binilisan niya ang paglalakad pero nakahabol naman agad ang binata.
“‘He’s tall and cute, and he’s really, really nice..’” Gaya nito sa mga sinabi niya. “Ikaw din naman ah, you’re tall, beautiful, and the nicest person I’ve ever met.”
Wow, that’s..
“Whatever, Moe,” sinubukan niyang huwag ngumiti.
Nang makapasok sila sa unit, hindi pa rin tinigilan ni Elmo ang topic. “Pero totoo lahat ng sinabi mo tungkol sa ‘kin?”
“Tsss.. Tinatanong pa? Syempre naman.”
Natawa ito sa sagot niya.
Kinilig naman hahaha
“Ang sweet talaga ni Jaboom. Dito ka nga,” turo ni Elmo sa tabi nito sa sofa. Tumabi nga siya dito at noon lang napansin ang hawak nitong kahon.
No, no, no. Wala pa akong gift sa kaniya.
“Happy graduation bukas,” sabay halik sa pisngi niya. “I love you..”
“I love you, I love you?” Pabirong dugtong ni Ja sa sinabi nito.
Sinenyasan siya ni Elmo na buksan ang kahon. Nanlaki naman ang mga mata niya sa laman noon: isang relo na may automatic na pangkuha ng vital signs. Nakakita na siya noon dati and she knows exactly how it costs.
“Aww, Moe, you didn’t have to..”
“Bakit? Pinag-ipunan ko ‘yan. Alam ko kasing magagamit mo.”
“Thank you, babe. Sorry, mamaya pa lang ako bibili ng gift mo. Grad mo na rin bukas..”
“Okay lang ‘yun. Lapit ka pa, hug mo na lang ako.”
Day 30
Iyon na siguro ang worst na alaala niya kay Ja, ang panoorin itong lumalakad palayo. Mas malala pa kesa sa makita itong umiiyak noon.
Ngayon kasi, parang sumusuko na ito sa kanilang dalawa. Ni hindi man lang nga siya binigyan ng pagkakataong ipaglaban kung anuman ang meron sa pagitan nila.
Sa una, parang natulala si Elmo. Hindi niya alam ang gagawin at tila gusto na lang magpakalunod sa sakit na nararamdaman. Pero nu’ng biglang umandar ang utak niya, isang bagay lang ang isinigaw nito: Kilala ko siya.
Hindi niya alam kung adrenaline rush ‘yun o epiphany talaga pero biglang andami niyang naisip.
Si Ja na rin mismo ang nagsabi, naiintindihan ko siya.
Nalilito siya dahil hindi naman ako nag-open up sa kaniya.
“Mag-usap muna kayo para malinaw ang lahat.”
“Ikaw lang ang hinihintay niyan, bro.”
Natatakot ba siya?
Nagsimula nang lumakad si Elmo para habulin si Ja. Mabagal naman ang lakad ng huli at hindi pa nakakalayo.
Pero bakit parang iniba niya ang usapan nu’ng sinabi kong malapit na ang last day?
Nang makitang palapit na si Ja sa kotse, nag-desisyon siyang hindi iyon ang panahon para magdalawang-isip. Hinawakan niya ang braso nito para huminto na sa paglalakad.
“Julie..” Hindi ito tumitingin sa kaniya. “Ako na maghahatid sa ‘yo.”
Katulad ng ginawa nito dati sa kaniya, hinaplos ni Elmo ang braso ng dalaga. “Please?”
Hindi pa rin nagsalita si Ja. Matibay ito, katulad ng inaasahan. Buti na lang, napansin yata ni Chelle ang nangyayari. Binuksan nito ang bintana ng kotse tsaka hinagis kay Elmo ang bag ni Ja. “O, ayan, mga bakla! Magmahalan kayo!” Kumaway pa ito tsaka pinaandar ni Annie ang kotse.
Wala pa ring imik ang dalaga habang papunta sila sa condo nito. Ayos lang naman kay Elmo, hindi naman niya balak magtapat dito sa loob ng jeep.
Pagdating sa loob condo, mabagal silang naglakad papunta sa elevator. Pinindot ni Ja ang “Up” button at tahimik silang naghintay doon.
Nagsalita lang ito noong bumukas ang pintuan ng elevator, “Thanks, Elmo.”
Pero syempre, sumakay din siya doon.
Pagdating sa tapat ng pinto ng unit ni Ja, nagulat siya dahil bigla itong ngumiti nang pagkatamis-tamis.
“Good night, Moe,” malambing na sabi nito tsaka akmang papasok na sa loob.
“Julie!!” Napalakas na sabi ni Elmo sabay mahigpit na hinawakan ang siko nito. Napapitlag tuloy si Ja at parang natatakot na tumingin sa kaniya. “Tama na ang laro, please. Mag-usap muna tayo.”
“Sa-saan?”
“Sa loob, syempre.”
Pumasok nga sila sa unit at tahimik na naupo sa magkabilang dulo ng sofa. Inalok pa siya ni Ja ng maiinom pero malamang di-ni-distract na naman siya nito. Tumanggi siya tsaka matiim itong tiningnan.
“Julie.. Mahal kita.” Dineretso na niya doon para wala nang malilito. “Siguro dahil inalagaan mo ako, kinulit, pinatawa, pinag-isip..”
Nakatingin lang ito kaya nagpatuloy siya. “Ang corny nito pero hindi ko rin matandaan kung kelan ko naramdaman. Basta. Yun.”
Noong hindi pa rin ito nagsalita, lumapit na siya sa pwesto nito, hinawakan ang gilid ng pisngi, at pinatingin nang diretso sa mga mata niya.
“Mahal kita, Julie. Ilang beses ko ba dapat sabihin?” Hinaplos niya ang labi nito. “O baka gusto mo, ‘I love you?’ I love you, I love you, I love you.”
Napangiti na si Ja doon. Hindi na rin blangko ang mga mata nito.
“Sorry, ang kulit ko.” Nagsimula na itong magsalita. Tumango siya doon bilang pagsang-ayon.
“Then I gave you mixed signals.” Tango ulit.
“Then I avoided confrontations.” Tango pa rin.
Hinampas siya nito pero seryosong nagpatuloy.
“Natakot ako when I realized I was falling for you pero 30 days lang ang meron tayo.” Natawa ito nang tila may biglang naalala. “I couldn’t stay away from you though.”
Napangiti si Elmo sa mga narinig. “Dito lang naman ako sa tabi mo, kung papayag ka. Let’s grow together.”
Tiningnan lang siya ni Ja. Kakaibang intensity na ang nakikita niya doon.
“Sobrang salamat, Moe. Paano ba ako babawi sa ‘yo?”
“Simple lang. Sabihin mong pareho tayo ng nararamdaman.”
Natawa nang malakas ang dalaga pero hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi.
“I love you too, Moe.” Mahina lang ang pagkakasabi noon pero sapat na para maramdaman niya ang gusto nitong iparating. Marahan pa siyang hinalikan ni Ja sa labi. “I love you, I love you, I love you.”
Day 30
Napansin ni Elmo na nagmamadaling magligpit ng sariling gamit si Elton pagkatapos ibigay sa kanila ang go signal na mag-log out.
“Elton, ‘di ka sasama?” Tanong niya rito. Napag-usapan kasi ng lahat na kumain sa labas ngayong gabi bilang farewell dinner.
“Hindi, bro. Importanteng lakad eh.”
“Ganun? Good luck!” Tinapik pa niya ang balikat nito. Hindi na nagtanong si Elmo pero malamang tungkol sa matters of the heart ang lakad na iyon, katulad ng lagi nitong pinoproblema.
“Thanks, bro. Pakisabi din kay Ja, salamat.”
Napatingin tuloy siya sa dalaga na nasa kabilang dulo ng kwarto, kinukulit ni Chelle. Tumatawa lang ito habang sinasayaw-sayawan ng huli.
“Alam mo, ang swerte mo sa kaniya. Pero sabi nga niya, mas swerte siya sa’yo,” seryosong sabi ni Elton.
“Huh?”
Nagulat rin ang kausap sa pagkagulat niya.
“Palagi na lang akong nadudulas. Kakalbuhin na ako ni Ja,” natawa pa ito habang ipinagpapatuloy ang pagliligpit ng gamit.
Bigla namang nalito si Elmo. Napakunot siya ng noo habang nag-iisip.
Akala ko ba may gusto kay Ja ‘to?
“Ikaw lang ang hinihintay niyan, bro. Good luck din.”
Sabay-sabay na pumunta ang grupo sa restaurant para kumain. Sa isang mahabang mesa sila nagpa-pwesto sa server.
Naunang maupo si Elmo habang kasunod niya naman si Ja. Pero bago makaupo ang huli, biglang sumingit si Haley.
“Moe, tabi tayo!!” Nakangiti pang sabi nito.
Kitang-kita niya kung paano umirap si Ja habang nakatalikod si Haley. Pinigilan niyang matawa nang malakas. Umikot pa si Ja sa kabilang side ng table para tumabi na lang kay Chelle, na sakto namang nasa harap nila ni Haley.
“O, bakit, bakla? Ngayon tatabi ka sa ‘kin?” Kunwaring pagtataray ni Chelle.
“Ang bilis ni Haley eh,” deretsahang sagot nito.
Napatingin si Elmo sa katabi. Buti na lang at busy ito sa pag-order sa waiter.
Tumingin naman siya kay Ja. Umirap lang ito sa kaniya.
Oh ba’t nadamay ako?
Naging maingay ang dinner nila. Kaniya-kaniyang bangka ang mga tao. Buti na lang may talent si Elmo na mag-filter ng mga pinapakinggan, lalo na ang boses ng katabi.
“Chelle, isa ka nang ganap na rice monster!” Biro ni Ja. Pang-apat na extra rice na kasi yata nito.
“Kapal mo, ha! Bakit ikaw, hindi ka mag-eextra?”
“Mag-eextra. Kuya, extra rice po!” Makulit pa itong ngumiti.
Natawa na talaga si Elmo. Si Ja naman ay hindi tumitingin sa kaniya, kunwari hindi siya napapansin.
“Moe, look oh! I have this app in my phone, ang saya niyang gamitin,” pagmamalaki ni Haley habang nasa gitna ng pagkain.
“Wow, nice..” Tanging sagot niya rito.
“Ang cool, sobra. Right, Moe?” Sinusubukan niyang maki-ride dito pero naririndi talaga siya sa “Moe” ‘pag ito ang nagsasabi.
“Oo, sobra. Ang swerte ko talaga, ang cool ng mga co-interns ko!”
“Right? Right?” Nakangiti pang bumalik sa pagkain si Haley.
Si Ja naman, biglang napaubo. Sinipa nito ang paa niya sa ilalim ng mesa.
“Ow!” Tumingin siya nang masama dito pero nagkatawanan rin sila.
Nahirapan siyang hagilapin si Ja nu’ng uwian na. Nagpapaalam pa kasi ito sa iba nilang mga kasamahan kaya naghintay na lang si Elmo sa labas ng restaurant. Ilang jeep na nga ang tumigil sa harap niya pero inilingan lang niya ang mga driver nito.
Maya-maya pa ay may tumapik sa likod niya.
“Elmo..” Nakangiti nang matipid sa kaniya si Ja.
“Tara na?” Tanong niya rito.
“Uhm.. Dala ni Annie yung kotse niya eh. Sabay na lang kami dun ni Chelle pauwi para hindi na out of the way sa ‘yo.”
Naguluhan na naman siya.
“Uh…”
“Bye, Moe,” itinaas pa nito ang kamay para makipag-apir.
Tiningnan lang niya si Ja. Nakatingin ito nang diretso sa kaniya pero hindi na siya sigurado kung ano’ng nakikita doon.
Lungkot? Panghihinayang?
Pinanghinaan na naman ng loob si Elmo.
Julie, bakit tiklop ka na naman?
Alam ng dalaga na hindi siya makikipag-apir kaya hindi na rin siya hinintay mag-react. Inabot nito ang kamay niya tsaka pinisil, “Galingan mo pa, ha. Idol kita.”
Pagkatapos ay pinanood ito ni Elmo na lumakad palayo sa kaniya.
Day 29
8:17pm, Moe: Julie.. Miss you.
9:21pm, Ja: Sinong may na-mi-miss, ikaw o ako? Miss you too.
10:45pm, Moe: ‘Di pa rin ako tapos mag-aral.
12:23am, Ja: Me too. Sleepy na. Zzzz
2:36am, Moe: Suko na. Good night
Nagising si Elmo na nagri-ring ang cellphone niya. Mukhang kanina pa ito tumutunog dahil medyo mainit na pag-hawak niya. Sinubukan niyang tingnan kung sino ang tumatawag pero nasisikatan ng araw ang screen nito.
“Hello?” Medyo malat pa siya dahil nga kakagising lang.
“Rise and shine!” Masiglang sabi ng isang pamilyar na boses.
“Julie?”
Napangiti si Elmo.
Siguro masarap gumising bawat umaga kung siya ang alarm clock ko.
“Hello, Moe?” Nag-space out yata siya kaya hindi narinig ang naunang sinabi nito. “Tingin ka sa orasan.”
“Oh sh*t!” Napaupo siya sa kama. Nagulat siya na 6:45 na pala ng umaga.
“Sabi na, ma-le-late ka ng gising eh,” tumatawa pa ito sa kabilang linya. “Sige, ligo ka na.”
“Okay. Ay, teka. Sa’n ka na?”
“Papasok na.”
“Sige, ingat na lang. See you.”
Sa wakas.
Totoong hinihintay ni Elmo na dumating ang araw ng Lunes para makita ulit si Ja. Buong araw kasi siyang may klase noong Sabado habang busy naman sa meetings ang dalaga. Araw ng Linggo naman ay kasama nito ang mga magulang kaya hindi rin sila nakapagkita. Sabay na lang silang nag-aral kagabi para kahit hindi magkasama ay pareho sila ng ginagawa.
“Yeah, see you. I’m excited.”
Hindi napigilang humalakhak ni Elmo. Pinatay niya ang linya at nagmamadaling bumangon mula sa kama.
Duty, here I come!!
Katulad ng inaasahan, muntik nang ma-late si Elmo. Pagdating niya sa ospital, hinanap niya agad si Ja. Naabutan niya itong busy pa rin sa pag-aaral. Kabadong-kabado kasi ito para sa susunod na rotation sa isang pediatric clinic kaya hindi pa man tapos ang kasalukuyang duty ay naghahanda na. May hawak itong libro at tahimik na nagbabasa sa loob ng lounge.
Sa totoo lang, may isang bahagi ng sarili niya ang hindi gustong nalalaman o nakikitang nag-aaral ito para sa susunod na rotation. Pinapaalala lang noon na kaunting panahon na lang ang natitira sa kanila.
Naghahanda na si Ja para sa susunod na yugto ng internship habang siya naman ay naghihintay pa rin ng tiyempo para masabing gusto niyang manatili sa tabi nito kahit hindi na sila magkasama sa duty.
Tahimik na tumabi si Elmo kay Ja.
“Moe, by anong month nga na-de-develop ang unsupported sitting?” Bungad nito sa kaniya na hindi man lang nag-aangat ng tingin.
Ano ba naman ‘to.. Kala ko ba excited..
“Hindi ako sure pero 6 months yata.”
“I see. Thanks,” nakatitig pa rin ito sa hawak na libro.
Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kwarto lalo’t isa-isa nang naglabasan mula sa kwarto ang mga kasamahan nila.
“Kamusta parents mo?”
“Ayos naman. Nag-lunch kami kahapon. Sabi naman nila they’re both in good health,” napangiti pa ito nang tila may naalala, umangat sandali ang tingin sa pader pero ibinalik ulit sa librong binabasa.
Naiintindihan naman ni Elmo si Ja. Sabi nga ng professor nila, “Sympathy is not therapeutic, but empathy is.” Understanding muna bago concern. Gusto lang nitong pagbutihin ang pag-aaral.
Pero hindi rin niya makalimutan ang sinabi ni Sato na ilang araw na lang ang natitira, ngayon at bukas. Sa isip niya, malakas ang tunog ng relong magsasabing ubos na ang oras nila.
“Jaboom..”
“Hmm?”
“Last day na natin bukas..”
“Oo nga-” Tumingin na ito sa kaniya pero biglang natigilan. Nag-tilt ang ulo nito pakaliwa habang nakatitig pa rin.
Kumunot ang noo ni Ja na parang may pinag-iisipang mabuti.
“Moe..” Bumibilis na ang tibok ng puso niya. Gusto niyang malaman ang iniisip nito. “Bakit ang cute mo kahit puyat at muntik nang ma-late?” Pinadaan pa nito ang hintuturo sa pisngi niya na ‘tila ba gusto talagang malaman ang sagot. Pabalik-balik rin ang tingin nito pababa at pataas ng mukha niya.
Lord.
Hindi iyon ang inaasahang marinig ni Elmo at alam niyang namula siya bigla. Yumuko na lang muna siya habang nag-iisip kung ano’ng gagawin.
Si Ja naman ay dumikit pa sa kaniya sa upuan. Yumuko rin ito habang hinuhuli ang tingin niya.
“Moe.. Kinikilig ka ba?” Bulong nito at halos kilabutan siya nang maramdaman ang init ng hininga nito malapit sa tenga niya.
Umusad pa ulit palapit si Ja pero hinawakan na niya ang braso nito para pigilan.
“Julie, ‘pag lumapit ka pa, ‘di ko na alam kung ano’ng gagawin ko.”
Alam naman ni Elmo na nagbibiro lang ito, at malamang di-ni-distract siya, pero ang tindi talaga ng epekto ni Ja sa kaniya. Maliban sa na-miss niya ito, gustung-gusto niya ang wit at ang bilis nitong mag-isip.
Nakatingin lang si Ja, mukhang nagulat pero ilang sandali lang ay natawa na tsaka pinanggigilan ang pisngi niya tulad ng palagi nitong ginagawa.
“Eto naman. Na-miss nga kasi kita, cute!”
Natawa na rin siya doon.
Sige, kung ayaw niya munang pag-usapan..
“Oo na. Alam mo naman sigurong na-miss din kita, ‘di ba?”
“Syempre!”
Itinago na nito ang libro sa bag at umayos ng upo para humarap sa kaniya.
“Moe, since na-miss natin ang isa’t isa, libre mo naman ako ng breakfast.”
“Wala ka pang pasyente?”
“Wala. Ikaw din wala pa, ‘di ba.”
“Sige na nga… Teka, bakit ako lang ang manlilibre?!?”
“Pumayag ka na eh. Tara na, tara na!” Hinahatak na siya nito palabas ng pinto.
Napakamot na lang ng ulo si Elmo.
Naisahan na naman ako.